Sunday, October 2, 2011
Talambuhay
Ako ay si Francis Rodolf de Guzman. Ako ay isinilang noong ika-4 ng Abril, 1987 sa Malolos Bulacan. Ako ay kasalukuyang nakatira sa Sto. Nino Plaridel, Bulacan. Ang aking pangalan ay kinuha mula sa pangalan ng aking mga magulang na sina Francisca E.de Guzman at Rodolfo de Guzman. Pinalaki nila ako ng maayos, inalagaan at pinalaking may takot sa Diyos. Kung nasaan man ako ngayon ay iyon ay isang malaking utang na loob ko sa kanila. Ako ang bunso sa mga magkakapatid. Nag-aral ako ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Plaridel at ako ay naghay-skul sa Liceo de Pulilan Colleges. Ako ngaun ay kasalukuyang nag-aarak ng kolehiyo sa Bulaan State University. Ang aking kursong aking kinukuha ay Computer Technology, ito ay isang "ladderized course", pwedeng ituloy ng 2 o apat na taon. Tinapos ko ito ng dalawang taon at pagkatapos ay ako ay nagtrabaho bilang "call center agent" sa Sutherland Global Services. Nakilala ko dito ang aking pangalawang pamilya at naging pangalawang tahanan sa loob ng mahigit daalwang taon.Nakilala ko dito ang aking mga bagong kaibigan na nagturo sa akin upang mas maging mabuting tao, tumayo sa sariling paa, gumawa ng sariling desisyon at mas maging mapagmahal sa kapwa. Dumataing ang oras upang sila ay aking pansamantalang iwan at muling ipagpatuloy aking pag-aaral. Masaya ako at hanggang ngayon ay di pa rin nila ako nakakalimutan. Sa kasalukuyan ako ay isang "third year student at ipinagpatuloy ko aking pag-aaral sa BSU.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment